CMG Komentaryo: Dual circulation ng Tsina, mahalagang puwersa para sa kabuhayang pandaigdig

2024-04-10 15:13:06  CMG
Share with:

Mula Abril 13 hanggang 18, 2024, idaraos sa Hainan ang ika-4 na China International Consumer Products Expo (CICPE).

 

Ang epksong ito ay itinuturing na plataporma ng pagtatanghal at transaksyon ng produktong pandaigdig.

 

Noong 2020, iniharap ng Tsina ang target ng pagtatatag ng bagong istruktura ng pag-unlad na nagpapasigla sa domestikong sirkulasyon at pandaigidigang sirkulasyon o tinatawag na dual circulation.

 

Bilang mahalagang bahagi ng sirkulasyong pangkabuhayan, ang konsumo ay naging buklod ng dual circulation ng Tsina.

 

At ang CICPE ay naging mahalagang plataporma ng pagpapalitan ng pamilihang Tsino at pandaigdig.

 

Sa papalapit na ika-4 na CICPE, lalahok ang mahigit 3000 kompanya mula sa 59 na bansa at rehiyon.

Bukod dito, naging mahalagang merkado sa buong daigdig ang Tsina ngayon na may 1.4 bilyong populasyon at mahigit 170 milyong talento na tumanggap ng mataas na edukasyon at may propesyonal na kahusayan.

 

Ibig-sabihin, ang pamilihang Tsino ay may malaking nakataong lakas ng konsumo at nagkakaloob ng magandang pagkakataon para sa mga bahay-kalakal ng buong daigdig.

 

Ayon sa datos, itinatag ng Tsina at 140 bansa ang relasyon ng trade partner at ang kabuuang bolyum ng kalakalan ng Tsina at mga trade partner nito ay nasa unang puwesto sa buong daigdig.

 

Kahit mahinahon ang pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, ang dual circulation ng Tsina ay nagiging mahalagang puwersa sa pagpapasulong ng kabuhayang pandaigdig.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil