Kaugnay ng paratang kamakailan na may “labis na produktibong kapasidad” ang Tsina, ipinahayag Abril 25, 2024 ng tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na walang anumang batayan ang nasabing paratang, at mariin itong tinututulan ng panig Tsino.
Sinabi niya na ang kasalukuyang pagpapaunlad ng luntian at mababang-karbong bagong enerhiya ay mahalagang hakbang ng buong mundo sa pagharap sa pagbabago ng klima.
Walang patid aniyang lumalaki ang pangangailangan ng mga bagong enerhiyang produkto, at napakalaking potensyal nito sa kinabukasan.
Sustenableng ipinagkakaloob ng bagong enerhiyang industriya ng Tsina ang mabuting produktibong kakayahan, bagay na nakakapagbigay ng mahalagang ambag sa luntiang pag-unlad ng buong daigdig, diin niya.
Dagdag pa niya, ang kagawian ng ilang bansang Kanluranin ay hindi lamang nakakahadlang sa luntiang transpormasyon ng buong mundo at nakakasira sa kompiyansa sa pagharap sa pagbabago ng klima, kundi nakakabigo sa determinasyon ng mga kompanya sa pagsasagawa ng pakikipagkooperasyong pangkalakalan at pampamumuhunan sa iba.
Salin: Lito