CMG Komentaryo: Mga kamalian ng Amerika sa umano’y “overcapacity” ng Tsina

2024-04-25 15:45:33  CMG
Share with:

Nagsimula, Abril 24, 2024 ang pagdalaw sa Tsina ni Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika.

 

Ihahayag ni Blinken ang pagkabahala sa umano’y “overcapacity” ng bagong enerhiya ng Tsina sa panahon ng kanyang pagdalaw.

 

Sa tingin ng ilang Amerikano, ang pagdaragdag ng mga iniluluwas na produkto ay labis na kapasidad.

 

Sa katunayan, ang ganitong pananaw ay hindi angkop sa komong kamalayang ekonomiko, at taliwas din sa tunguhin ng globalisasyon.

 


Batay sa mataas na lebel na pandaigdigang sistemang pangkabuhayan, hindi limitado sa iilang bansa o rehiyon ang produksyon at pangangailangan.

 

Normal lamang na mas malaki kaysa domestikong pangangailangan ang kapasidad ng produksyon ng iilang industriya, kaya normal din ang pagluluwas.


Ayon naman sa ilang Amerikano, ang kapasidad ng produksyon ng bagong enerhiya ng Tsina ay higit sa pangangailangang pandaigdig.

 

Totoo ba ito?

 


Upang maisakatuparan ang target ng neutralidad sa karbon, tinaya ng International Energy Agency (IEA), na 45 milyong sasakyan ng bagong enerhiya at 820 gigawatt na karagdagang photovoltaic capacity ang kakailangain ng buong mundo sa 2030, at ang mga datos na ito ay 4.5 ulit at 4 ulit na mas mataas kumpara noong 2022.

 

Ipinakikita nitong malayung-malayo pa ang agwat ng kasalukuyang kapasidad ng produksyon sa pangangailangan ng merkado, at napakalaki ng nakatagong pangangailangan ng mga umuunlad na bansa sa mga produkto ng bagong enerhiya.

 

May pangkagipitang pangangailangan ang daigdig sa de-kalidad na kapasidad ng produksyon ng Tsina.

 

Bukod pa riyan, ang bentahe ng mga produkto ng bagong enerhiya ng Tsina ay nababatay sa may inisyatibang inobasyon ng mga bahay-kalakal, kumpletong kadena ng industriya at suplay, napakalaking merkado, masaganang yamang tao at iba pa, sa halip ng umano’y subsidya ng pamahalaan.

 

Ayon pa rin sa pagbatikos ng panig Amerikano, ang industriya ng bagong enerhiya ay may negatibong epekto sa mga kompanya at hanap-buhay ng mga manggagawa ng Amerika.

 

Ang ganitong pagbatikos ay klasikal na pagpasa ng sariling pananagutan sa Tsina.

 

Dapat mapagtanto ng ilang personaheng Amerikano na ang paghadlang sa pag-aangkat ng mga de-kalidad at murang produkto ng bagong enerhiya ng Tsina ay makakapinsala sa kapakanan ng mga mamimili, pati na rin sa berdeng transpormasyon ng mundo at pag-unlad ng mga bagong sibol na industriya.

 

Sa halip na pagluluto ng mga pekeng balita, ang pagpapataas ng sariling kakayahang kompetetibo ang pinaka-kailangang gawin ng Amerika.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio