5 komong palagay, narating ng Tsina at Amerika

2024-04-27 10:24:21  CMG
Share with:

Sa pag-uusap Abril 26, 2024 sa Beijing nina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Kalihim Antony Blinken ng Estado ng Amerika, narating ng kapuwa panig ang 5 komong palagay.


Una, sinang-ayunan ng kapuwa panig na batay sa patnubay ng mga lider ng dalawang bansa, patuloy at buong sikap na patatagin at paunlarin ang relasyong Sino-Amerikano.


Ikalawa, sinang-ayunan ng kapuwa panig na panatilihin ang pagdadalawan sa mataas na antas at pagpapalagayan sa iba’t-ibang lebel. Patuloy na patitingkarin ang papel ng mga mekanismo sa mga larangang tulad ng diplomasya, kabuhayan, pinansya, at komersyo.


Ikatlo, idineklara ng kapuwa panig na idaraos ang unang pulong ng Tsina at Amerika tungkol sa Artificial Intelligence (AI); patuloy na isusulong ang pagsasanggunian tungkol sa relasyong Sino-Amerikano; idaraos ang mga pagsasanggunian tungkol sa suliraning Asya-Pasipiko at suliraning pandagat.


Ika-apat, isasagawa ng kapuwa panig ang mga hakbangin para mapalawak ang kanilang pagpapalitang pangkultural.


Ikalima, patuloy na pananatilihin ng kapuwa panig ang pagkokoordinahan tungkol sa mga mainit na isyung panrehiyon at pandaigdig.


Salin: Lito

Pulido: Ramil