Kalihim ng Estado ng Amerika, kinatagpo ng Pangulong Tsino

2024-04-26 17:26:46  CMG
Share with:


Sa kanyang pakikipagtagpo Biyernes, Abril 26, 2024 sa Beijing kay Antony Blinken, dumadalaw na Kalihim ng Estado ng Amerika, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na dapat maging magkatuwang ang Amerika at Tsina, sa halip na kalaban; dapat magtulungan ang dalawang bansa upang hangarin ang tagumpay, sa halip ng pagpinsala sa isa’t isa; dapat hanapin ang landas na maaring magkasamang tahakin, habang isinasa-isangtabi ang pagkakaiba, sa halip ng masamang kompetisyon; at dapat sundin ang sariling pangako, sa halip ng pagtaliwas sa sariling pananalita.

 

Iniharap ni Xi ang tatlong simulain ng paggagalangan, mapayapang pakikipamuhayan, at win-win na kooperasyon, bilang paglagom sa mga karanasan noong nakaraan at patnubay sa hinaharap.

 

Saad ni Xi, ang pagpapalakas ng Tsina at Amerika ng diyalogo, pagkontrol sa mga alitan, at pagpapasulong sa kooperasyon ay unibersal na hangarin ng mga mamamayan ng dalawang bansa, pati na rin ang komong pag-asa ng komunidad ng daigdig.

 

Umaasa aniya siyang magiging positibo ang pakikitungo ng panig Amerikano sa pag-unlad ng Tsina.

 

Tinukoy ni Xi na nitong nakalipas na ilang buwan, natamo ng kapuwa panig ang ilang positibong progreso sa pag-uugnayan sa iba’t ibang larangan, pero mayroon pa ring mga problemang kailangang resolbahin at espasyo para sa ibayo pang pagsigasig.

 

Umaasa si Xi na may bunga ang kasalukuyang biyahe ni Blinken sa Tsina.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil