Sa bisperas ng gaganaping dalaw-pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Hungary, inilunsad, Abril 29, 2024 (lokal na oras), sa Budapest ang “China Image” screening na magkasamang itinaguyod ng China Media Group (CMG) at ATV ng Hungary.
Sa kanyang video speech, sinabi ni Presidente Shen Haixiong ng CMG na ang “China Image” screening ay isang maringal na aktibidad ng pagpapalitang kultural ng Tsina at Hungary, at buhay na paglalarawan din ng di-kumukupas na tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Umaasa aniya siyang ang isang serye ng mga obra maestra ng CMG ay makakatulong sa pagpapahigpit ng pag-uunawaan at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, at ibayo pang makakapagpatibay ng pundasyon ng mithiin ng mga mamamayan sa pragmatikong kooperasyong bilateral.
Tatagal hanggang unang dako ng Mayo ang nasabing aktibidad, at isasahimpapawid sa istasyon ng telebisyon at mga new media platform ng ATV ang mga pelikula’t TV show na ipinoprodyus ng CMG.
Salin: Vera
Pulido: Ramil