China-France High-Level Forum on People-to-People Exchanges, idinaos sa Pransya

2024-05-01 10:29:01  CMG
Share with:


Sa okasyon ng gagawing dalaw-pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Pransya, idinaos Abril 30, 2024 (lokal na oras) ang China-France High-Level Forum on People-to-People Exchanges na magkakasamang itinaguyod ng China Public Diplomacy Association, China Media Group (CMG), at Embahadang Tsino sa Pransya.


Dumalo at nagtalumpati sa aktibidad ang mga opisyal at panauhing Tsino at Pranses.

Sa kanyang video speech, ipinahayag ni Shen Haixiong, Presidente ng CMG, na sa ilalim ng patnubay ng mga lider ng dalawang bansa, walang patid na lumalalim ang pagpapalitang pangkultura ng Tsina at Pransya, bagay na nakakapagpatingkad ng mahalagang papel sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagang pandaigdig.


Sinabi niya na ang kasalukuyang taon ay ika-60 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pransya.


Ilulunsad aniya ng CMG ang mga aktibidad upang ipagdiwang ang pangyayaring ito, at ipapadala ng CMG ang isang grupong bubuuin ang mahigit 2,000 tao para isahimpapawid at ibalita ang Paris Olympics sa daigdig.

Samantala, ipinatalastas ng CMG na ilulunsad ng panda channel ng CCTV.com ang isang espesyal na kolumn tungkol sa paglalakbay ng mga panda sa Pransya.


Salin: Lito

Pulido: Ramil