Pandaigdigang hamon, magkasamang haharapin ng Tsina't Pransya

2024-04-28 15:45:08  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipag-usap, Abril 27, 2024 kay Emmanuel Bonne, Diplomatic Counselor ng Pangulo ng Pransya, sinabi ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, na masalimuot ang kasalukuyang pandaigdigang kalagayan, marami ang mga hamon, at inaasahan ng komunidad ng daigdig na magkakaisa ang Tsina at Pransya sa mahahalagang isyung may kaugnayan sa kapayapaan at katatagan ng daigdig, at kinabuksan at kapalaran ng sangkatauhan.

 

Kasama ng Pransya, nakahanda aniyang magsikap ang Tsina para palakasin ang pagpapalitan sa mataas na antas, pasulungin ang kooperasyon sa iba’t-ibang larangan tungo sa bagong yugto, at gumanap ng papel sa pagharap sa mga pandaigdigang hamon.

 

Umaasa si Wang na sa tulong ng Pransya, aktibo at aktuwal na maisusulong ng Unyong Europeo (EU) ang mabuting patakaran sa Tsina.

 

Ipinahayag naman ni Bonne na dapat magkasamang magsikap ang dalawang panig para mapahupa ang mga maiinit na isyu, at harapin ang mga pandaigdigang hamong tulad ng pagbabago ng klima.

 

Aniya, dapat mag-ambag ang Pransya at Tsina sa pagpapaliit ng agwat ng Timog at Hilaga, iwasan ang bloc confrontation, at pasulungin ang lalo pang pag-unlad ng relasyon ng Pransya at Tsina, at EU at Tsina.

 

Bukod dito, sinang-ayunan ng dalawang panig na isagawa ang kooperasyon hinggil sa pagpapaunlad ng Artificial Intelligence (AI), palakasin ang koordinasyon hinggil sa pagharap ng pagbabago ng klima, at ipagkaloob ang mainam na kapaligiran sa pamumuhunan ng mga kompanya ng isa’t-isa.

 

Tinalakay din ng dalawang opisyal ang tungkol sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig tulad ng krisis ng Ukraine, alitan ng Palestina at Israel, at iba pa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio