Inilabas kahapon, Mayo 1, 2024, ng China Council for the Promotion of International Trade (CCPIT) ang resulta ng sarbey na ginawa noong nagdaang unang kuwarter sa mahigit 600 kompanyang pinatatakbo ng puhunang dayuhan sa Tsina, kung saan ipinakikita ang lumalakas pang kompiyansa ng mga kompanyang ito sa merkadong Tsino.
Ayon sa resulta ng sarbey, mahigit sa 70 porsiyento ng mga respondent ay optimistiko sa prospek ng pag-unlad ng merkadong Tsino sa darating na limang taon, at ang bilang na ito ay mas malaki nang 3.8% kumpara sa huling kuwarter ng nagdaang taon.
Ipinalalagay naman ng higit sa kalahati ng mga na-sarbey na kompanya na nagiging lalong malakas ang pang-aakit ng merkadong Tsino, at lumaki ito ng 2.9%.
Kaugnay nito, sinabi ng tagapagsalita ng CCPIT, na namumukod pa rin ang mga bentahe ng merkadong Tsino sa paghihikayat ng pamumuhunang dayuhan.
Editor: Liu Kai