CMG Komentaryo: Optimistikong ekspektasyon ng tagalabas ng kabuhayang Tsino, napatunayan ng mga datos

2024-04-02 16:20:28  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling datos ng Tsina, sa Marso ng taong ito, umabot sa 50.8, 53.0 at 52.7 ang purchasing managers' index (PMI) ng sektor ng manupaktura, PMI ng non-manufacturing sector, at PMI ng bansa, na pawang lumampas sa 50 pamantayan ng ekspansyon.

 

Ipinalalagay ng mga banyagang media na gaya ng Agence France-Presse (AFP) na ang mga datos na ito ay pinakahuling palatandaan ng bumibilis na pagbangon ng kabuhayang Tsino, at makakapagpatingkad ito ng bagong lakas-panulak sa kabuhayang pandaigdig.

 

Tinukoy naman ng tagapag-analisa na bukod sa paglaki ng pangangailangang panloob at pagpapasulong ng pangangailangang panlabas, ang ganitong resulta ay sanhi ng tuluy-tuloy na pagpapaibayo ng pamahalaang Tsino ng mga patakaran sa pagpapatatag ng kabuhayan, pagpapalawak ng pangangailangang panloob, at pagpapasigla ng kalakalang panlabas.

 

Sa kasalukuyan, pinasimulan ng Tsina ang bagong round ng malawakang pagpapalit ng mga lumang pasilidad at consumer product, at tinayang magbubunga ito ng isang napakalaking merkado na may mahigit 5 trilyong yuan RMB na taunang halaga.

 

Bilang ika-2 pinakamalaking ekonomiya sa daigdig, paborable para sa buong mundo ang matatag na pagbuti ng kabuhayang Tsino.

 

Nitong nakalipas na ilang araw, magkakasunod na pinataas ng maraming organong pandaigdig na gaya ng Citibank ang pagtaya sa paglago ng kabuhayang Tsino.

 

Napapatunayan ng katotohanan na malusog at sustenable ang kabuhayan ng Tsina.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil