Makabagong kabanata ng relasyong Sino-Serbiyan, inaasahan ng Pangulong Tsino

2024-05-08 05:48:19  CMG
Share with:


 

Nagsimula, Mayo 7, 2024 (lokal na oras) ang dalaw-pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Serbiya.

 

Sa kanyang nakasulat na talumpati pagkaraang dumating ng Belgrade, sinabi ni Xi na malalim ang tradisyonal na pagkakaibigan ng Tsina at Serbiya.

 

Dahil sa pabagu-bagong kapaligirang pandaigdig, dinanas aniya ng relasyong Sino-Serbiyano ang pagsubok, pero nananatili itong matatag, at ito ay nagsisilbing modelo ng relasyong estado-sa-estado.

 

Umaasa aniya siyang magiging pagkakataon ang kasalukuyang pagdalaw, upang malalimang makipagpalitan ng kuru-kuro kay Pangulong Aleksandar Vucic ng Serbiya hinggil sa bilateral na relasyon at iba pang isyu kapuwa nilang pinahahalagahan.

 

Nananalig si Xi na magiging mabunga ang kanyang pagdalaw, at magbubukas ng makabagong kabanata ng relasyong Sino-Serbiyan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio