Mga Pangulo ng Tsina at Serbiya, nag-usap; komprehensibo’t estratehikong partnership ng Tsina at Serbiya, napalalim at napataas

2024-05-08 21:40:01  CMG
Share with:


Belgrade, Serbiya — Sa pag-uusap umaga ng Mayo 8, 2024 (lokal na oras) nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Aleksandar Vucic ng Serbiya, ipinatalastas ng dalawang lider ang pagpapalalim at pagpapataas ng komprehensibo’t estratehikong partnership ng dalawang bansa at pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalarang Sino-Serbiyano sa makabagong panahon.

Bago ang kanilang pag-uusap, inihandog ni Pangulong Vucic ang maringal na seremonyang panalubong para kay Xi.

Kasama ni Pangulong Vucic, nagpunta si Pangulong Xi sa plataporma ng gusali ng pamahalaang Serbiyano kung saan inihayag ng mga 15 libong mamamayang Serbiyano ang kanilang mainit na pagtanggap kay Xi.

Nagkaway naman si Pangulong Xi ng kanyang mga kamay sa mga mamamayang Serbiyano.


Sa pag-uusap, tinukoy ni Xi na nakaranas ang napakatibay na pagkakaibigang Sino-Serbiyano sa pagsubok ng pagbabago ng situwasyong pandaigdig, at may malalim na nilalamang historikal, matibay na pundasyong pulitikal, malawak na komong kapakanan, at matatag na pundasyon ng mithiin ng mga mamamayan ang kapuwa bansa.


Sinabi niya na sapul nang maitatag ang komprehensibo’t estratehikong partnership ng Tsina at Serbiya noong 2016, nagiging mas mayaman ang nilalaman ng kanilang bilateral na relasyon, at nagsisilbi itong modelo ng relasyong pangkaibigan sa pagitan ng Tsina at mga bansang Europeo.


Kasama ng panig Serbiyano, nakahanda aniyang magsikap ang panig Tsino upang ibayong mapasulong ang pagkakaibigang Sino-Serbiyano, kapit-bisig na mapangalagaan ang pundamental at pangmalayuang kapakanan ng kapuwa bansa, at magkasamang mapasulong ang konstruksyon ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalarang Sino-Serbiyano sa makabagong panahon.


Ipinagdiinan ng pangulong Tsino na ang Serbiya ay unang komprehensibo’t estratehikong katuwang ng Tsina sa rehiyong Gitnang-Silangang Europa.


Sinabi niya na ang kooperasyon ng kapuwa bansa ay nakakapaghatid ng aktuwal na kapakanan sa kanilang mga mamamayan.


Sa pamamagitan ng pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalarang Sino-Serbiyano sa makabagong panahon, dapat aniyang walang patid na palalimin at palawakin ang de-kalidad na magkasamang konstruksyon ng “Belt and Road” at kooperasyon ng Tsina at mga bansang Gitnang-Silangang Europeo upang mapasulong ang proseso ng modernisasyon ng isa’t-isa.


Kaugnay nito, iniharap ni Pangulong Xi ang tatlong mungkahing kinabibilangan ng una, dapat pahalagahan ang estratehikong relasyon ng dalawang bansa at hawakan ang pangkalahatang direksyon ng relasyong Sino-Serbiyano; ikalawa, dapat igiit ang pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa para mabenepisyunan ang kanilang mga mamamayan; ikatlo, dapat pasulungin pa ang relasyon ng dalawang bansa upang makalikha ng bagong prospek ng kooperasyon.


Ipinaabot naman ni Vucic ang mainit na pagtanggap sa pagdalaw ni Xi.


Ipinahayag niya na ang Tsina ay pinakamatapat na kaibigan ng Serbiya. Buong tatag aniyang sinusuportahan ng panig Serbiyano ang lehitimong posisyon ng panig Tsino sa mga nukleong isyung gaya ng Taiwan.


Iisa lang ang Tsina sa daigdig, at patuloy at matatag na susuportahan ng panig Serbiyano ang panig Tsino, diin niya.


Pagkatapos ng pag-uusap, magkasamang lumagda ang dalawang lider sa “Magkasanib na Pahayag Tungkol sa Pagpapalalim at Pagpapataas ng Komprehensibo’t Estratehikong Partnership at Pagtatatag ng Komunidad na May Pinagbabahaginang Kapalarang Sino-Serbiyano sa Makabagong Panahon.”


Magkasama ring nakipagkita ang dalawang lider sa mga mamamahayag.


Salin: Lito