Sina Peng Liyuan at Aniko Levai, asawa ni PM ng Hungria, bumisita sa Hungarian-Chinese bilingual school

2024-05-10 15:32:27  CMG
Share with:

Bumisita, kahapon ng Mayo 9, 2024 (local time) sa Hungarian-Chinese bilingual school sa Budapest, si Peng Liyuan, Unang Ginang ng Tsina, kasama ni Aniko Levai, asawa ni Punong Ministrong Viktor Orban ng Hungary.

 


Ipinahayag ni Peng na ang Hungarian-Chinese bilingual school ay simbolo ng pagkakaibigan ng Tsina at Hungary.

 

Umaasa siyang magsisikap ang mga estudyante para matutunan ang wika at kulturang Tsino, at magkaroon ng pagkakataong bumisita sa Tsina, para bigyang-ambag ang pagpapasulong ng pagkakaibigan ng dalawang bansa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil