Jakarta, Indonesia — Kaugnay ng pagdedeploy kamakailan ng Amerika ng medium-range missiles sa Pilipinas, ipinahayag Mayo 10, 2024 ni Pangalawang Ministrong Panlabas Sun Weidong ng Tsina na ang nagawa ng panig Amerikano ay malubhang nagsasapanganib sa kaligtasan ng mga bansa sa rehiyon, malubhang nakakasira sa kapayapaan at katatagang panrehiyon, at ganap na tumataliwas sa komong mithiin ng mga mamamayan sa rehiyon na naghahanap ng kapayapaan at kaunlaran.
Winika ito ni Sun makaraang dumalo sa Ika-30 Pagsasanggunian ng mga Mataas na Opisyal ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Sinabi ni Sun na buong tinding tinututulan ng panig Tsino ang muling pagkaganap sa rehiyong ito ng bloc confrontation sa istilong cold war, at buong tatag ding tinututulan ang paggamit ng bansa sa rehiyon bilang kagamitan at proxy para sa pagpapanatili ng hegemonya.
Kinakatigan aniya ng panig Tsino ang estratehikong indepediyente ng ASEAN.
Kasama ng mga bansa sa rehiyon, nakahandang magsikap ang panig Tsino upang tahakin ang mapayapang landas sa Asya at mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon.
Salin: Lito
Pulido: Ramil