Tsina sa Pilipinas: Kilalain ang mga katotohanan sa isyu ng Ren'ai Jiao

2024-05-11 15:40:46  CMG
Share with:

Bilang tugon sa panawagan ng Tagapayo ng Pambansang Seguridad ng Pilipinas higgil sa pagpapaalis ng mga diplomatang Tsino dahil sa di-umanong kampanya ng disinformation, sinabi kahapon, Mayo 10, 2024, ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na eksaktong ipinakikita ng pahayag na ito ng panig Pilipino ang kanilang konsensyang may sala at pagiging magagalitin at desperado sa harap ng mga katotohanan at katibayan tungkol sa isyu ng Ren'ai Jiao.

 

Binigyang-diin ni Lin, na hinihiling ng Tsina sa Pilipinas na tiyakin ang normal na pagsasagawa ng mga diplomatang Tsino ng kanilang mga tungkulin, at itigil ang mga probokasyon at paglapastangan sa mga karapatan ng Tsina.

 

Hindi dapat tanggihan ng Pilipinas ang mga katotohanan, at hindi rin dapat gawin pa ang mga walang ingat na hakbanging magdudulot lamang ng mga negatibong epekto sa sarili, dagdag ng tagapagsalita.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos