Sa kakatapos na dalaw-pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Pransya, Serbia at Hungaria mula Mayo 5 hanggang 10, ipinahayag ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang dalaw ni Pangulong Xi sa tatlong bansa ay isang biyaheng nagpagpapatuloy ng pagkakaibigan, nagpapalalim ng pagtitiwalaan, nagpapalakas ng kompiyansa at lumilikha ng kinabukasan.
Aniya, matagumpay at mabunga ang pagdalaw ni Xi.
Sa pagdalaw ni Xi sa Pransya, sinabi ni Wang na ito ay mahalagang aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.
Saad niya na kapwa sinang-ayunan ng pangulo ng dalawang bansa na patatagin ang estratehikong relasyon ng dalawang panig, higit pang galugarin ang malawak na nakatagong lakas ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, pabilisin ang pagpapalitang tao-sa-tao, at tipunin ang mas malaking komong palagay hinggil sa kooperasyong pandaigdig.
Kaugnay ng pagdalaw ni Xi sa Serbia, sinabi ni Wang na sinang-ayunan ng pangulo ng dalawang bansa na itatag ang komunidad ng dalawang bansa na may pinagbabahaginang kinabukasan sa makabagong panahon.
Pinapalalim nito aniya ang tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa, nagpapakita ng komong ideya at sense of value ng dalawang panig, at nakakatulong sa kani-kanilang konstruksyon ng modernisasyon.
Kaugnay naman ng pagdalaw ni Xi sa Hungaria, sinabi ni Wang na pinataas ng dalawang bansa ang kani-kanilang relasyon sa antas ng all-weather comprehensive strategic partnership sa bagong panahon.
Saad ni Wang na nakahanda ang panig Tsino, na sa pamamagitan ng pagdalaw ni Xi, pasusulungin ang pagkamit ng relasyon ng dalawang bansa ng mga bagong bunga.
Para naman sa relasyon ng Tsina at Unyong Euroepo (EU), sinabi ni Wang na dapat igiiit ang katayuan ng partnership, diyalogo at kooperasyon, palalimin ang pag-uugnayan ng estratehiya at pagtitiwalaan, at tipunin ang komong palagay para pasulungin ang matatag at malusog na pag-unlad ng relasyon ng Tsina at EU.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil
Xi Jinping, natapos ang pagdalaw sa Pransya, Serbia, at Hungary
PM ng Hungary at kabiyak, inihandog ang mga aktibidad bilang paalam kina Xi Jinping at Peng Liyuan
CMG Komentaryo: Mga makabagong pagkakataon, sinasalubong ng relasyong Sino-Hungarian
(AI Video)Wuhan, isang lunsod na may malakas na kaugnayan sa Pransya