CMG Komentaryo: Mga makabagong pagkakataon, sinasalubong ng relasyong Sino-Hungarian

2024-05-10 16:21:27  CMG
Share with:



Mabungang mabunga ang kasalukuyang dalaw-pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Hungaria.

 

Sa panahon ng pagdalaw, inilabas ng mga lider ng dalawang bansa ang magkasanib na pahayag, kung saang inanunsyo ang pagpapataas ng relasyong Sino-Hungarian sa antas na all-weather na komprehensibo’t estratehikong partnership para sa bagong panahon mula sa komprehensibo’t estratehikong partnership.

 

Ipinalalagay ng tagapag-analisa na ito ay nangangahulugang iaangat sa makabagong antas ang pagtitiwalaang pulitikal, estratehikong komong palagay, koordinasyon, kooperasyon at iba pang aspekto ng dalawang bansa. Kahit anuman ang mga pagbabagong nangyayari sa kapaligirang panlabas, makakaranas ang ugnayang Sino-Hungarian ng iba’t ibang pagsubok.

 

Tinukoy ni Xi na dapat patuloy at buong tatag na igiit ng kapuwa panig ang pagsuporta sa nukleong kapakanan at mahahalagang pagkabahala ng isa’t isa; palakasin ang sinerhiya ng mga estratehiyang pangkaunlaran ng dalawang bansa; aktibong palawakin ang kooperasyon sa mga bagong-sibol na larangang gaya ng malinis na enerhiya, artificial intelligence (AI), at iba pa; patuloy na suportahan ang pagtuturo ng mga lengguwahe ng dalawang bansa, at palakasin ang pagpapalitang tao-sa-tao; pahigpitin ang multilateral na pag-uugnayan at pagtutulungan; at ipagtanggol ang pandaigdigang katarungan at pagiging patas.

 

Ang lahat ng mga paninindigang ito ay nagbigay-patnubay sa pag-unlad ng kanilang bilateral na relasyon sa susunod na yugto.

 

Inihayag naman ni Punong Ministro Viktor Orbán ng Hungaria ang di-pagkakilala sa pananalita ng umano’y “overcapacity” o “de-risking.”

 

Ipinalalagay niyang ang pag-unlad ng Tsina ay pagkakataon para sa Europa, sa halip na panganib.

 

Sa kalagayan ng walang humpay na pagpapalaki ng Amerika ng umano’y “overcapacity” ng bagong enerhiya ng Tsina, ang makatarungan at obdyektibong pahayag ni Orbán ay nagpapakita ng matibay na determinasyon ng Hungaria sa pagpapalalim ng kooperasyon sa Tsina.

 

Sinabi minsan ni Orbán na noong nagdaang mahigit isang dekada, napagtanto niyang ang kinabukasan ng Hungaria ay dumedepende, sa napakalaking digri, sa relasyon sa Tsina.

 

Sa kasalukuyan, nasa bagong antas ang ugnayang Sino-Hungarian, at kapit-bisig na aabante ang magkabilang panig sa proseso ng sarili nilang modernisasyon, upang isakatuparan ang komong kaunlaran at kasaganaan.

 

Sinasalubong ng relasyong Sino-Hungarian ang mga makabagong pagkakataon!

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil