6,184, biyahe ng CR Express mula Enero hanggang Abril, 2024

2024-05-13 16:17:06  CMG
Share with:

Mula Enero hanggang Abril 2024, mahigit 6,184 biyahe ang naisagawa ng China Railway Express (CR Express), na mas malaki ng 10% kumpara sa datos noong nakaraang taon.

 


Dagdag pa riyan, 675,000 Twenty-foot Equivalent Unit ang naikaraga rin nito –11% mas mataas kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon.

 

Mula nang maisaoperasyon ito, mahigit isang dekada na ang nakakaraan hanggang Abril 2024, mahigit 89,000 biyahe na ang itinakbo ng CR Express, na dumaan sa 223 lunsod ng 25 bansa ng Europa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio