Komong kaunlaran at kasaganaan, isusulong ng Tsina’t Brunei

2024-05-15 15:31:11  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipag-usap, Mayo 14, 2024, sa Beijing, kay Dato' Erywan Pehin Yusof, Ministrong Panlabas ng Brunei, sinabi ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, na ipagkakaloob ng pag-unlad ng kanyang bansa ang pagkakataon ng pag-unlad sa mga kapit-bansang kinabibilangan ng Brunei.

 


Aniya, aktibong susuportahan ng Tsina ang pagsulong ng ekonomikong dibersipikasyon ng Brunei.

 

Nakahanda rin aniya ang Tsina na lalo pang pasulungin ang potensyal ng kooperasyon ng dalawang bansa sa didyital na ekonomiya, berdeng pag-unlad, kalusugan, at iba pang bagong larangan.

 

Suportado ng Tsina ang nukleo at independiyenteng katayuan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), at pagpapalakas ng mekanismong pangkooperasyon sa pamumuno ng ASEAN, dagdag ni Wang.

 

Aniya pa, nais palakasin ng Tsina ang pagtitiwalaang pulitikal sa mga bansang ASEAN; panatilihin ang tumpak na direksyon ng kooperasyon ng Silangang Asya; at ipagpatuloy ang komprehensibo at mabisang pagpapatupad ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC), para agarang marating ang mabisang Code of Conduct in the South China Sea (COC) na mayroong masaganang nilalaman.

 

Samantala, ipinahayag ni Dato' Erywan Pehin Yusof ang lubos na kompiyansa ng Brunei sa Tsina, at umaasa siyang idudulot ng pag-unlad ng Tsina ang komong pag-unlad ng mga bansang ASEAN.

 

Nakahanda ang Brunei na makipagkooperasyon sa Tsina para mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon, at pasulungin ang komong pag-unlad at kasaganaan, dagdag niya.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio