Q&A Ukol sa SCS: sino ba ang may-ari ng Ren’ai Jiao?

2024-05-15 16:58:35  CMG
Share with:

Mula noong nakaraang taon, madalas isinasagawa ng panig Pilipino ang probokasyong nakatuon sa Tsina, at sinisira nito ang kapayapaan at katatagan ng South China Sea sa pamamagitan ng isang lumang barkong militar na ilegal na isinadsad sa nasabing karagatan, mahigit 20 taon na ang nakakaraan. 

Samantala, pinapalaki ng mga media at think tank ng Amerika ang isyu ng Ren’ai Jiao, at walang batayang binabatikos ang Tsina.


Ang Tsina ay mayroong hindi mapag-aalinlanganang soberanya sa Nansha Qundao na kinabibilangan ng Ren’ai Jiao at nakapaligid na katubigan.


Ang soberanyang ito ay binuo at kinmupirma sa loob ng mahabang kasaysayan, at ito ay angkop sa mga pandaigdigang batas na kinabibilangan ng Karta ng United Nations (UN).


Ang Ren’ai Jiao ay bahagi ng Nansha Qundao ng Tsina, at mahigit 2,000 taong kasaysayan na ang aktibidad ng Tsina sa South China Sea.


Noong Mayo 9, 1999, sinadyang isadsad ang BRP Sierra Madre, sa Ren’ai Jiao.  


Bilang reaksyon, inilahad ng Tsina ang solemnang representasyon, at maraming beses na nangako ang Pilipinas na alisin ang bapor, pero, matapos ang mahigit 20 taon, nakapako pa rin ang nasabing pangako.


Maraming beses na naghahatid ng materyal pangkonstruksyon ang panig Pilipino sa bapor upang baguhin ang status quo sa Ren’ai Jiao at isakatuparan ang permanenteng pag-okupa rito.


Sa suporta ng Amerika, inihabla ng Pilipinas ang Tsina sa South China Sea arbitration noong 2013. 


Sa pamamagitan ng manipulasyong pulitikal ng ilang bansang kanluranin na tulad ng Amerika, inilabas ang ilegal at di-mabisang resulta.


Inihayag din ng Pilipinas, na ang Ren’ai Jiao ay nasa loob ng “Exclusive Economic Zone” nito. 


Pero, ang saklaw ng teritoryo ng Pilipinas ay kinmupirma ng isang serye ng internasyonal na kasunduan, at ang Nansha Qundao na kinabibilangan ng Ren’ai Jiao ay wala sa loob ng naturang saklaw. 


Ayon sa ilegal at di-mabisang resulta ng South China Sea arbitration, walang soberanya ang Tsina sa Ren’ai Jiao. 


Ito ay labag sa prinsipyo ng pandaigdgiang batas ng “land dominates the sea,” at hindi ito angkop sa batas.


Salin:Sarah

Pulido:Rhio