Tsina, nakikiramay sa Afghanistan hinggil sa matinding pagbaha

2024-05-17 16:13:56  CMG
Share with:

Isang mensahe ang ipinaabot Mayo 16, 2024, ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, kay tumatayong Ministrong Panlabas Mawlawi Amir Khan Muttaqi ng Afghanistan, hinggil sa matinding pagbaha na naganap sa Afghanistan.

 

Ipinahayag ni Wang ang taos-pusong pakikiramay sa mga biktima at pamilya ng mga biktima ng kalamidad.

 

Sinabi niya na nakahanda ang Tsina na magbigay ng tulong sa loob ng kapasidad nito sa gawaing panaklolo sa sakuna ng Afghanistan batay sa mga pangangailangan ng bansa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil