Premyer Li Qiang ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, nagtagpo

2024-05-17 16:15:43  CMG
Share with:

Nakipagtagpo hapon ng Mayo 16, 2024, sa Great Hall of the People sa Beijing, si Premyer Li Qiang ng Tsina, kay Pangulong Vladimir Putin ng Rusya. 

Ipinahayag ni Li na sa okasyon ng ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Rusya sa taong ito, nagtagpo sina Pangulong Xi Jinping at Pangulong Putin, at gumawa sila ng bagong estratehikong plano para sa pagpapaunlad ng relasyong Tsino-Ruso sa susunod na yugto. 


Sinabi niya na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Rusya, para sundin ang estratehikong patnubay ng dalawang lider ng bansa, patuloy na palalimin ang kooperasyon sa iba’t ibang larangan, at patuloy na pasulungin ang kooperasyon ng “Belt and Road Initiative (BRI)” at Eurasian Economic Union.


Ipinahayag naman ni Putin na sa pagkakataon ng pagdiriwang ng ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, nakahanda aniya ang Rusya na magsikap, kasama ng Tsina, para lalo pang palakasin ang kooperasyon sa iba’t ibang larangang kinabibilangan ng kabuhayan at kalakalan, enerhiya, agrikultura, imprastruktura, matagumpay na idaos ang aktibidad ng “Russia-China Culture Year,” at palalimin ang pagpapalitan sa edukasyon, kultura, kalusugan, isport, kabataan, at iba pa.


Salin:Sarah

Pulido:Ramil