Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ngayong araw, Mayo 16, 2024 sa Beijing, magkasamang nakipagtagpo sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya sa mga mamamahayag.
Inihayag ni Xi ang mainit na pagtanggap sa pagdalaw ni Putin at isinagawa nila ang matapat, mapagkaibigan at masaganang pag-uusap.
Aniya, nagpalitan sila ng palagay hinggil sa bilateral na relasyon ng dalawang bansa at mga mahalagang isyung pandaigdig at panrehiyon, at nagsagawa rin ng mga plano at balangaks hinggil sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa, at kanilang kooperasyon sa iba’t ibang larangan sa susunod na yugto.
Ipinahayag naman ni Putin na kapwa nilang ikinasisiya ang kasalukuyang relasyong Ruso-Sino at puno ito ng kompiyansa pagdating sa kooperasyon sa hinaharap.
Aniya, kasama ng Tsina, nakahanda ang Rusya na patuloy na palawakin ang kooperasyon sa pulitika, kabuhayan, kultura, edukasyon, at seguridad.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil