Tsina, susuportahan ang kabuhayan ng Tajikistan

2024-05-19 15:57:12  CMG
Share with:

 

Kinatagpo kahapon, Mayo 18, 2024, sa Dushanbe, Tajikistan, si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ni Pangulong Emomali Rahmon ng Tajikistan.

 

Sa pagtatagpo, sinabi ni Wang, na aktibong susuportahan ng Tsina ang mga estratehiyang pangkaunlaran ng Tajikistan at tutulungan din ang bansang ito sa pagpapaunlad ng kabuhayan.

 

Dagdag niya, buong tatag na tinututulan ng Tsina ang pakikialam sa mga suliranig panloob ng Tajikistan.

 

Sinabi naman ni Rahmon, na sa kanyang pagdalaw sa Tsina noong isang taon, narating ng dalawang bansa ang maraming kasunduan, at sapul noon, natamo nila ang kapansin-pansing mga bunga sa pagpapatupad ng mga ito.

 

Ipinahayag din niya ang pag-asang pananatilihin ng Tajikistan at Tsina ang pagpapalagayan sa mataas na antas, palalakasin ang kooperasyon sa kabuhayan, kalakalan, enerhiya, mineral, transportasyon, agrikultura, berdeng industriya at artificial intelligence, at pasusulungin ang komprehensibo at estratehikong partnership ng dalawang bansa.


Editor: Liu Kai