(Video) Iba’t-ibang robot, ginagamit sa mga aktibidad pang-industriya ng Tsina

2024-05-20 15:35:53  CMG
Share with:


Patuloy na dumarami ang mga robot na sarilinang idinebelop at ginawa ng Tsina sa iba’t-ibang industriya ng bansa bilang kapalit ng mga manggagawang-tao.

 

Malaking tulong ang mga ito sa pagpapataas ng episiyensiya ng trabaho, pagbabawas ng panganib sa trabaho, at pagpapalakas ng kalidad ng produkto.

 

Kaugnay nito, ang Shenhao Technology Co., Ltd sa Hangzhou Future Tech City, lunsod Hangzhou, lalawigang Zhejiang, gawing silangan ng Tsina, ay isa sa mga nangungunang kompanya ng robot sa bansa.

 

Itinatampok nito ang pagdedebelop at pagmamanupaktura ng mga robot na ginagamit sa pagsusuri ng mga kagamitan at pagsusuri ng malfunction sa industriya.

 

Dahil sa modernong teknolohiyang gaya ng Artificial Intelligence (AI) at big data, isang serye ng intelehenteng robot ang laganap na ginagamit ngayon sa iba’t-ibang larangang kinabibilangan ng lohistika, enerhiya, transportasyon, proteksyon sa kapaligiran, at iba pa.



Salin/Video: Kulas

Pulido: Rhio