Pinansyal na suporta sa real economy, ipinagdiinan ng premyer Tsino

2024-05-22 16:18:57  CMG
Share with:

Mayo 21, 2024, sa Beijing – Sa kanyang instruksyon hinggil sa pinansyal na gawain, sa pambansang komperensya ng mga direktor ng tanggapan ng pinansyal na komisyon sa ilalim ng mga lokal na komite ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), binigyan-diin ni Premyer Li Qiang ng Tsina ang papel ng pinansyal na sektor sa pagkakaloob ng serbisyo sa real economy.

 

Hinimok niya ang mga kalahok, na magsikap para pasulungin ang dekalidad na pag-unlad ng sektor na ito.

 

Nanawagan si Li para sa pagpapabuti ng larangan ng pinansyang panteknolohiya, berdeng pinansya, inklusibong pinansya, pinansya sa pensyon at didyital na pinansya.

 

Kailangan din aniyang ikoordina ang pagbubukas sa labas ng pinansya at seguridad, at pabilisin ang pagtatayo ng modernong sistema ng pinansya na may katangiang Tsino.

 

Binigyan-diin din niya ang pangangailangan sa reporma sa lokal na mekanismo ng pamamahala sa pinansya ayon sa itinakdang iskedyul, pagpapalakas ng regular na superbisyon sa lokal na pinansyal na institusyon, at bantayan ang  bottom line upang maisiguradong walang sistematikong pinansyal na panganib.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio