Ika-7 DCS, binuksan sa Fuzhou

2024-05-24 17:06:05  CMG
Share with:

Binuksan ngayong umaga, Mayo 24, 2024, sa lunsod Fuzhou ng lalawigang Fujian ng Tsina, ang ika-7 Digital China Summit (DCS).

 


Sa ilalim ng temang “paggagalugad sa halaga ng data at pagpapaunlad ng new quality productivity,” ginanap ang kasalukuyang DCS pagkatapos ng optimisasyon at pagsasaayos ng pambansang data work system ng Tsina.

 

Ang summit ay binubuo ng isang sentral na porum at higit 10 breakout session, at mayroon ding 56,000 metro kuwadradong lugar ng live experience, para ipakita ang mga pinakabagong pagsulong sa konstruksyon ng didyital na Tsina.

 

Ilalabas din dito ang Digital China Development Report (2023).

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil