Pagbubukas sa mataas na antas sa larangang didyital, ipinagdiinan ng pangalawang premyer Tsino

2023-09-19 15:58:32  CMG
Share with:

 

Beijing, Tsina – Magkasamang pinanguluhan, Lunes, Setyembre 18, 2023 nina Zhang Guoqing, Pangalawang Premyer ng Tsina, at Vera Jourova, Pangalawang Tagapangulo ng European Commission ang Ika-2 Diyalogo ng Tsina at Unyong Europeo (EU) sa Mataas na Antas sa Larangang Didyital.

 

Malalimang tinalakay ng kapuwa panig ang mga paksang gaya ng pag-unlad at mga patakaran sa larangang didyital, artificial intelligence (AI), mga pamantayan ng teknolohiya ng telekomunikasyon, pananaliksik at inobasyon, cross-border data flow, kaligtasan ng mga non-food product, at iba pa.

 

Ipinalalagay ng magkabilang panig na may malawakang komong interes at pagkokomplemento sa larangang didyital.

 

Nakahanda anila silang magkasamang magsikap, upang palakasin ang pagpapalitan; pasulungin ang pagtatamo ng pragmatikong kooperasyon; at likhain ang bukas, inklusibo, patas, makatarungan, at walang-pinapanigang kapaligiran para sa pag-unlad ng kabuhayang didyital at gumawa ng ambag sa pagpapasulong sa pandaigdigang transpormasyong didyital at pagbangon ng kabuhayan.

 

Saad ni Zhang, patuloy na pasusulungin ng Tsina ang pagbubukas sa labas sa mataas na antas sa larangang didyital, at winewelkam ang pakikibahagi ng mga kompanya ng iba’t-ibang bansang kinabibilangan ng EU sa pagkakataong dulot ng pag-unlad ng kabuhayang didyital ng Tsina.

 

Inihayag naman ni Jourova na may mainam na pundasyon at prospek ang kooperasyon ng EU at Tsina sa larangang didyital.

 

Kasama ng Tsina, nakahanda ang EU na palakasin ang diyalogo at pagpapalitan sa kaukulang larangan, at palalimin ang pragmatikong kooperasyon, dagdag niya.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio