
Sa kanyang paglalakbay-suri Mayo 22 hanggang 24, 2024, sa lalawigang Shandong sa silangang bansa, binigyang-diin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na dapat lubos, tumpak, at komprehensibong ipatupad ng lalawigang ito ang bagong ideya ng pag-unlad, at gawing lakas tagapagpasulong ang ibayo pang pagpapalalim ng komprehensibong reporma.
Nanawagan siya sa Shandong, na pag-ibayuhin ang paglilingkod at pakikisangkot sa bagong kayarian ng pag-unlad, palakasin ang inobatibong pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, at pasulungin ang proteksyon sa ekolohiya at de-kalidad na pag-unlad sa kahabaan ng Yellow River.
Hiniling din ni Xi sa Shandong, na pabilisin ang transisyon tungo sa modelo ng berde at low-carbon na pag-unlad, at isakatuparan ang pagbubukas sa labas sa mas mataas na lebel.
Editor: Liu Kai