Mabuti't matatag na relasyon ng Tsina at T. Korea, isusulong

2024-05-27 16:18:33  CMG
Share with:

Sa pakikipagtagpo, Mayo 26, 2024, sa Seoul, ni Pangulong Yoon Suk-yeol ng Timog Korea kay Premyer Li Qiang ng Tsina, inihayag ng panig Tsino, na sapul nang itinatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Timog Korea, nitong mahigit 30 taong nakalipas, mabuting umuunlad ang bilateral ng relasyon at mabunga ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan.

 


Umaasa aniya siyang magsisikap ang Timog Korea, kasama ng Tsina, para mabuting pangasiwaan ang direksyon ng pagkakaibigan at pagtitiwalaan, igalang ang nukleong kapakanan at mga isyung pinahahalagahan ng isa’t-isa, palakasin ang aktuwal na kooperasyon, at tutulan ang pagsasapulitika ng isyung pangkabuhayan at pangkalakalan, upang pasulungin ang mabuti at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Timog Koreano.

Ipinahayag naman ni Yoon Suk-yeol ang pananangan ng Timog Korea sa prinsipyong isang-Tsina.

 

Tulad ng dati, matatag aniyang magsisikap ang kanyang bansa para paunlarin ang relasyon ng Timog Korea at Tsina.

 

Nakahandang palakasin ng Timog Korea ang pakikipagkooperasyon at diyalogo sa Tsina para palawakin ang komong interes at pasulungin ang lalo pang pag-unlad ng relasyong Timog Koreano-Sino, dagdag niya.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio