Sa pagkikita at pagtsa-tsaa, Mayo 28, 2024, nina Unang Ginang Peng Liyuan ng Tsina at Unang Ginang Constancia Mangue de Obiang ng Equatorial Guinea, ipinahayag ng unang ginang Tsino ang pag-asang maisasagawa ang mas maraming pagpapalitan upang igarantiya at pasulungin ang karapatan at kapakanan ng mga kababaihan, at pataasin ang lebel ng edukasyon at pampublikong kalusugan ng dalawang bansa.
sina Unang Ginang Peng Liyuan ng Tsina at Unang Ginang Constancia Mangue de Obiang ng Equatorial Guinea (photo from Xinhua)
Ito ay magdudulot ng benepisyo sa mga mamamayan ng Tsina at Equatorial Guinea, ani Peng.
Samantala, mataas na pinahahalagahan ni Obiang ang ambag ng Tsina, partikular, ni Peng sa pagpapasulong ng kalusugan at benepisyo ng mga kababaihan at kabataan ng mga bansang Aprikano na kinabibilangan ng Equatorial Guinea.
Inaasahan niyang lalo pang mapapalakas ang kooperasyon at pagkakaibigan ng Tsina at Equatorial Guinea.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio