Relasyon ng Tsina’t Equatorial Guinea, itinaas sa komprehensibo’t estratehikong partnership

2024-05-28 18:00:14  CMG
Share with:

 

Matapos magtagpo, Mayo 28, 2024 sa Beijing nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kanyang counterpart na si Teodoro Obiang Nguema Mbasogo ng Equatorial Guinea, ipinatalastas nila ang pagpapataas ng relasyon ng dalawang bansa sa komprehensibo’t estratehikong partnership.

 

Dumalo rin ang dalawang lider sa seremonya ng paglagda sa mga dokumentong pangkooperasyon.

 

Si Teodoro Obiang Nguema Mbasogo ay nasa Tsina para sa dalaw-pang-estado.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio