Serye ng outcome documents, pinagtibay sa Ika-10 Pulong Ministeryal ng CASCF

2024-05-30 16:26:17  CMG
Share with:

Matagumpay na idinaos Mayo 30, 2024 sa Beijing ang Ika-10 Pulong Ministeryal ng China-Arab States Cooperation Forum (CASCF) at natamo ang kapansin-pansing bunga.


Pinagtibay sa pulong ang 3 outcome documents na kinabibilangan ng “Deklarasyon ng Beijing,” “Plano ng Aksyon ng CASCF mula 2024 hanggang 2026” at “Magkakasanib na Pahayag ng Tsina at mga Bansang Arabe Tungkol sa Isyu ng Palestina.”


Bukod pa riyan, sa panahon ng pulong, nilagdaan ng Tsina at iba’t-ibang kalahok na bansa ang maraming bilateral at multilateral na dokumentong pangkooperasyon.


Salin: Lito

Pulido: Ramil