Sa seremonya ng pagbubukas ng ika-10 pulong ministeryal ng China-Arab States Cooperation Forum ngayong araw, Mayo 30, 2024 sa Beijing, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na sapul nang idaos noong 2022 ang unang China-Arab States Summit, isinasagawa ng Tsina at mga estadong Arabe ang mga mabungang kooperasyon.
Nakahanda aniya ang Tsina na batay sa mga natamong bunga, ibayo pang palawakin, kasama ng mga estadong Arabe, ang mga kooperasyon sa mga larangang kinabibilangan ng inobasyon, pamumuhunan at pinansiya, enerhiya, balanseng kalakalang may mutuwal na kapakinabangan at pagpapalitang kultural at tao-sa-tao.
Tinukoy niya na ikinagagalak ng Tsina ang kalagayan ng pagsasakatuparan ng mga bunga ng unang China-Arab States Summit at kasama ng mga estadong Arabe, nakahanda ang panig Tsino na patingkarin ang namumunong papel ng summit na ito at pasulungin pa ang relasyon ng magkakabilang panig.
Saad pa ni Xi na patuloy na kakatigan ng panig Tsino ang mga gawain ng pagpapahupa ng krisis ng makataong tulong sa Gaza Strip at rekonstruksyon ng lugar na ito pagkatapos ng sagupaan.
Magkakahiwalay naman na bumigkas ng talumpati sa seremonya ng pagbubukas sina Haring Hamad bin Isa Al-Khalifa ng Bahrain, Pangulong Abdul Fatah Al-Sisi ng Ehipto, Pangulong Kais Saied ng Tunisia, Pangulong Mohamed Bin Zayed Al-Nahyan ng United Arab Emirates at Ahmad Abuel-Gheit, Pangkalahatang Kalihim ng League of Arab States (LAS).
Salin: Ernest
Pulido: Ramil