Panunungkulan ng bagong punong ministro ng Chad, binati ng premyer Tsino

2024-05-31 15:28:09  CMG
Share with:

Isang mensahe ang ipinadala, Mayo 29, 2024 ni Premyer Li Qiang ng Tsina kay Allah-Maye Halina, upang bumati sa kanyang panunungkulan bilang bagong punong ministro ng Republika ng Chad.

 

Saad ni Li, lubos na pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Chad.

 

Kasama ni Halina, nakahanda aniya siyang magsikap, upang palalimin ang pagtitiwalaang pulitikal ng dalawang bansa, pasulungin ang pragmatikong kooperasyon, at pasulungin ang pagtamo ng bilateral na relasyon ng makabagong bunga.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil