Mensaheng pambati, ipinadala ni Xi sa bagong halal na pangulo ng Chad

2024-05-22 14:18:17  CMG
Share with:

Sa kanyang mensahe, Mayo 20, 2024 para kay Mahamat Idriss Deby Itno bilang pagbati sa kanyang pagkahalal ng pangulo ng Chad, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na mainam ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Chad nitong mga taong nakalipas, lumalalim ang pagtitiwalaang pulitikal, at matatag ang kooperasyon sa iba’t-ibang larangan.

 

Mahalaga aniya ang relasyon ng dalawang bansa, at kasama ng bagong pangulo ng Chad, nakahanda siyang magsikap para mapabuti ang pagkatig sa isa’t-isa at maisulong ang mapagkaibigang kooperasyon.


Salin: Eernest

Pulido: Rhio