Inagurasyon ng ika-2 termino ng pangulo ng El Salvador, dinaluhan ng espesyal na sugo ng pangulong Tsino

2024-06-03 15:50:35  CMG
Share with:


San Salvador, El Salvador - Sa paanyaya ni Pangulong Nayib Bukele ng El Salvador, dumalo, Hunyo 1, 2024 si Sun Yeli, Espesyal na Sugo ni Pangulong Xi Jinping at Ministro ng Kultura at Turismo ng Tsina, sa inagurasyon ng ika-2 termino ni Pangulong Bukele.

 

Sa pagtatagpo bago ang inagurasyon, sinabi ni Sun kay Bukele, na nitong nakalipas na halos 6 na taon, sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at El Salvador, komprehensibo’t mabilis na umuunlad ang relasyon ng dalawang bansa, at malaking kasiglahan at malawak na prospek ang ipinakikita nito.

 

Kasama ng El Salvador, nakahanda aniya ang Tsina na pasulungin ang tuluy-tuloy at malalimang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.

 

Sinabi naman ni Bukele, na napakahalaga para sa El Salvador ang pagpapa-unlad ng relasyon sa Tsina.

 

Nakahanda ang El Salvador na palalimin ang win-win na kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa Tsina, at pasulungin ang bilateral na relasyon sa mas mataas na lebel, saad niya.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio