Bagong halal na pangulo ng Iceland, binati ni Xi Jinping

2024-06-05 16:02:13  CMG
Share with:

Isang mensaheng pambati ang ipinadala Martes, Hunyo 4, 2024 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay bagong halal na Pangulong Halla Tomasdottir ng Iceland.

 

Tinukoy ni Xi na nitong nakalipas na ilang taon, nananatiling mainam ang tunguhin ng pag-unlad ng relasyong Sino-Iceland, matatag na sumusulong ang kanilang kooperasyon sa mga larangang gaya ng kabuhayan, kalakalan, pamumuhunan, geothermal energy, pangangalaga sa kapaligiran, kultura, turismo at iba pa, at walang humpay na natamo ang mga makabagong bunga.

 

Aniya, lubos niyang pinahahalagahan ang pag-unlad ng bilateral na relasyon, at kasama ni Tomasdottir, nakahanda siyang magsikap, upang palalimin ang pagtitiwalaang pulitikal ng dalawang bansa, palawakin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, at pasulungin ang bilateral na relasyon sa makabagong antas.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil