Marine economy at pandaigdigang pangangasiwa ng karagatan, isusulong ng Tsina

2024-06-09 18:12:05  CMG
Share with:

Sa okasyon ng Pandaigdigang Araw ng Karagatan, Hunyo 8, 2024, sa lunsod Xiamen, lalawigang Fujian sa timog-silangan ng Tsina, sinabi ni Sun Shuxian, Pangalawang Ministro ng Yamang Natural at Puno ng State Oceanic Administration ng bansa, na natamo ng Tsina ang bagong progreso sa pag-unlad ng marine economy, pinasulong ang pagtutulungan sa pandaigdigang pangangasiwa ng karagatan, at ginagawa ang tuluy-tuloy na pagsisikap sa pangangalaga at pagpapaunlad ng yamang dagat.

 

Para pasulungin ang pagtatatag ng komunidad ng karagatan na may pinagbabahaginang kinabukasan, nilagdaan ng Tsina, kasama ng mahigit 50 bansa at organisasyong pandaigdig ang mga kasunduang pangkooperasyon, dagdag niya.

 

Sa hinaharap, sinabi ni Sun, na pasusulungin ng Tsina ang kooperasyon sa loob ng balangkas ng 21st Century Maritime Silk Road, palalalimin ang bilateral at multilateral na kooperasyon kasama ng mga baybaying bansa, at lubos na lalahukan ang pagtatakda at pagpapatupad ng mga mekanismo at tuntunin para sa pandaigdigang pangangasiwa ng karagatan.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan