UNAOC: pinasalamatan ang Tsina na inilahad ang pagtatatag ng Internasyonal na Araw para sa Diyalogo sa pagitan ng mga Sibilisasyon

2024-06-10 16:23:31  CMG
Share with:

Ngayong araw, Hunyo 10, 2024, ay unang Internasyonal na Araw para sa Diyalogo sa pagitan ng mga Sibilisasyon (International Day for Dialogue among Civilizations.)

 

Sa kanyang pahayag na inilabas Hunyo 9, 2024, ipinahayag ni Miguel Moratinos, under-secretary-general ng United Nations(UN) at mataas na kinatawan ng United Nations Alliance of Civilizations (UNAOC), na malugod na tinatanggap ang pagpapatibay ng resolusyon na inilahad ng Tsina hinggil sa pagtatatag ng Internasyonal na Araw para sa Diyalogo sa pagitan ng mga Sibilisasyon.

 

Nanawagan din siya sa komunidad ng daigdig na dapat igalang ang dibersibidad at pagkakaiba ng kultura, at mapangalagaan ang dignidad ng tao.

 

Sinabi din niyang ang diyalogo sa pagitan ng iba’t ibang sibilisasyon ay makabuti sa pagkaunawa sa halaga ng dibersidad ng kultura.

 

Pinasalamatan ni Miguel Moratinos ang Tsina at ibang bansa na suportado ang pagtatatag ng araw na ito, para sa kanlang pagkumpirma sa mahalagang papel ng UNAOC sa pagpapasulong ng pagpapalalim ng pagkaunawa at paggalang sa pagitan ng iba’t ibang sibilisasyon, kultura at relihiyon.

 

Buong pagkakaisang pinagtibay noong Hunyo 7, 2024, ng ika-78 Heneral na Asembleya ng UN ang resolusyon na inilahad ng Tsina hinggil sa pagtatatag ng Internasyonal na Araw para sa Diyalogo sa pagitan ng mga Sibilisasyon.

 

Salin:Sarah

Pulido:Frank