2024 UN Chinese Language Day at 4th CMG Overseas Chinese Language Video Festival, matagumpay na pinasinayaan

2024-04-24 15:12:06  CMG
Share with:

Sa magkakasamang pagtataguyod ng China Media Group (CMG), tanggapan ng United Nations (UN) sa Geneva, pirmihang tanggapan ng Tsina sa UN sa Geneva, at mga delegasyon ng organisasyong pandaigdig, matagumpay na pinasinayaan sa Geneva ang 2024 UN Chinese Language Day at 4th CMG Overseas Chinese Language Video Festival.

Dumalo rito ang mahigit 300 panauhing kinabibilangan ng mga pirmihang kinatawan, batang diplomata, opisyal ng mga organisasyon at organong pandaigdig mula sa mahigit 50 bansang gaya ng Belgium, Alemanya, Brazil, at Iraq.

Sa kanyang video speech, ipinahayag ni Shen Haixiong, Presidente ng CMG, na ang “kabataan” ay ang tema ng kasalukuyang video festival. Layon nitong bigyang-imbitasyon ang mga kaibigang nagmamahal ng kulturang Tsino sa buong mundo upang kapit-bisig na maitatag ang tulay ng komunikasyon sa pamamagitan ng wika at video, ani Shen.


Ipinaabot din niya ang pag-asang sa pamamagitan ng aktibidad na ito, mapupuntahan ng mas maraming dayuhang bata ang Tsina para komprehensibong alamin ang totoong Tsina.

Ipinahayag naman ni Tatiana Valovaya, Direktor-Heneral ng Tanggapan ng UN sa Geneva, na palagiang nagpupunyagi ang UN upang mapataas ang kakayahan ng pamumuno ng mga kabataan.


Sa pamamagitan ng nasabing aktibidad, muli niyang naramdaman ang pang-akit ng wika at sining ng Tsina at lakas na kanilang dinala, aniya.

Nananabik si Chen Xu, pirmihang kinatawang Tsino sa UN sa Geneva, na sa pamamagitan ng aktibidad, mapapalalim ang pag-uunawaan para makapagbigay ng mas maraming katalinuhan sa pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan.

Salin: Lito

Pulido: Ramil