Inilathala kamakailan ng Central Party Literature Press ng Tsina ang isang aklat ng mga diskurso ni Pangulong Xi Jinping ng bansa hinggil sa pambansang seguridad ng enerhiya.
Sapul nang idaos ang Ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) noong 2012, pinabilis ng Komite Sentral ng CPC na ang nukleo nito ay si Xi Jinping, ang pagtatatag ng isang makabagong sistema ng enerhiya, at pinatibay ang pundasyon ng seguridad ng enerhiya ng bansa, bagay na nagkakaloob ng mas malakas na suporta para sa pag-unlad ng kabuhaya’t lipunan ng bansa.
Makabuluhan ang mga diskurso ni Xi tungkol dito para sa paggarantiya sa pag-unlad ng bagong enerhiya at pambansang seguridad ng enerhiya, pagpapasulong sa rebolusyon ng enerhiya, pagtatatag ng malakas na bansa sa enerhiya, at pagkakaloob ng ligtas at mapagkakatiwalaang suplay ng enerhiya para sa modernisasyong Tsino.
Salin: Vera
Pulido: Ramil