Bersyong Ingles ng aklat ng mga diskurso ni Xi Jinping hinggil sa BRI, inilathala

2024-04-29 15:45:41  CMG
Share with:


Inilathala kamakailan ng Central Compilation & Translation Press ng Tsina ang bersyong Ingles ng aklat ng mga diskurso ni Xi Jinping ng bansa na may kinalaman sa Belt and Road Initiative (BRI), edisyong 2023.

 

Napapaloob sa nasabing aklat ng Institute of Party History and Literature ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang 78 mahahalagang diskurso ni Xi hinggil sa Belt and Road Initiative (BRI) mula noong Setyembre ng 2013 hanggang Nobyembre ng 2023, at ilalabas ito sa loob at labas ng bansa.

 

Inaasahang matutulungan ng nasabing aklat ang mga banyagang mambabasa upang maunawaan ang konsepto, mga hakbangin, target at natamong bunga ng BRI, at gaganap din ito ng mahalagang papel sa pagpapasulong sa kooperasyong pandaigdig sa ilalim ng BRI.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio