Sa paanyaya ni Punong Ministro Christopher Luxon ng New Zealand, dumating umaga ng Hunyo 13, 2024 (lokal na oras), si Premyer Li Qiang ng Tsina sa Wellington, kabisera ng bansa para sa opisyal na pagdalaw.
Ipinahayag ni Li, na nitong mahigit 50 taong nakalipas, sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, patuloy na nangunguna ang ugnayan ng Tsina sa New Zealand, kumpara sa mga relasyon nito sa iba pang maunlad na bansa.
Aniya, ang taong 2024 ay ika-10 anibersaryo ng dalaw-pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa New Zealand at pagkakatatag ng komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa, kaya, nais niyang malalim na makipagpalitan ng kuru-kuro sa lider ng New Zealand at mga personahe mula sa iba’t-ibang sirkulo ng bansa.
Sinabi pa ni Li, na gusto rin niyang pasulungin ang pangmatagalang pagpapalalim ng pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa sa iba’t-ibang larangan, at pabutihin ang komprehensibong estratehikong partnership, upang idulot ang mas maraming benepisyo sa mga Tsino at Kiwi.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio