Premyer Tsino, dadalaw sa New Zealand, Australia, at Malaysia

2024-06-11 16:12:35  CMG
Share with:

Ipinatalastas ngayong araw, Hunyo 11, 2024 ni Lin Jian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa paanyaya nina Punong Ministro Chris Luxon ng New Zealand, Punong Ministro Anthony Albanese ng Australia at Punong Ministro Datuk Seri Anwar Ibrahim ng Malaysia, magsasagawa si Premyer Li Qiang ng Tsina ng opisiyal na pagdalaw sa naturang tatlong bansa mula Hunyo 13 hanggang 20.

 

Sa kanyang pananatili sa Australia, idaraos nina Li at Albanese ang ika-9 na round ng taunang pagtatagpo ng mga punong ministro ng dalawang bansa.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil