Katugong aksyon sa pagpasok ng bapor ng Pilipinas sa katubigan ng Ren’ai Jiao, ginamit ng Tsina

2024-06-17 11:27:30  CMG
Share with:

Inihayag ngayong araw, Hunyo 17, 2024 ng China Coast Guard (CCG) na ginamit nito ang katugong aksyong nababatay sa batas ng Tsina, kaugnay ng iligal na pagpasok ng supply ship ng Pilipinas sa katubigan ng Ren’ai Jiao ng Nansha Qundao ng Tsina.

 

Ayon sa CCG, hindi pinansin ng bapor ng Pilipinas ang paulit-ulit na babala ng panig Tsino, at lumapit ito sa bapor ng Tsina sa mapanganib at di-propesyonal na paraan.

 

Ang panig Pilipino ang may responsibilidad sa insidenteng ito, dagdag ng CCG.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio