Op-ed: 5 Panlilinlang ng Amerika sa panggugulo sa South China Sea, naibunyag

2024-06-13 16:25:38  CMG
Share with:

Nitong ilang taong nakalipas, base sa napakalalim na zero-sum mentality at hegemonismo, ginagamit ng Amerika ang lahat ng pormang tulad ng digmaang pangkalakalan, pagsasagawa ng blokeyong pansiyensiya’t panteknolohiya laban sa Tsina, pagluluto ng insidenteng umano’y “bulak ng Xinjiang,” panghihimasok sa mga suliraning panoob ng Tsina sa Xizang, Hong Kong, at Taiwan, at pagdungis sa kalagayan ng karapatang pantao at kabuhayan ng Tsina.


Kasalukuyang ginagamit ng Amerika ang isyu ng South China Sea (SCS) upang sirain ang relasyon ng mga bansa sa rehiyong ito at guluhin ang situwasyon ng karagatang ito.


Ngayon, ibubunyag natin ang limang panlilinlang ng Amerika sa panggugulo sa SCS.


Una, palakasin ang military existence sa Pilipinas


Sapul nang umakyat sa poder ang kasalukuyang administrasyong Pilipino, lumalakas ng lumalakas ang kooperasyong Amerikano-Pilipino sa larangang militar.


Sa pamamagitan ng “Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA),” sunud-sunod na nakuha ng Amerika ang karapatan ng paggamit ng 9 na baseng militar ng Pilipinas.


Sa katatapos ng ensayong militar ng Amerika at Pilipinas, idineploy sa unang pagkakataon ng Amerika ang Mid-Range Capability missile system (tinatawag ding Typhon) sa kahilagaan ng Luzon, Pilipinas.


Bukod pa riyan, sa katuwiran ng umano’y pagtulong sa Pilipinas sa pagharap nito sa mga hamon ng Tsina sa SCS, pinalakas ng Amerika ang pagbebenta ng sandata o arms sale sa Pilipinas.


Noong 2021, idineklara ng Amerika ang pagbebenta ng 12 F-16 fighter jet at mga dagdag na kagamitan na nagkakahalaga ng 2.43 bilyong USD sa Pilipinas.


Sa likod ng pagbibigay-tulong ng Amerika sa Pilipinas ay nagtatago ang masalimuot na motibo.


Ipinahayag minsan ni Victor N. Corpuz, yumaong tagapag-analisang militar ng Pilipinas, na ninanais ng Amerika na ilunsad ang proxy war sa Asya.


Layon aniyang pahinain ang kabuhayan ng Tsina at Asya sa halip na talunin ang Tsina upang mapanumbalik ang sariling kabuhayang Amerikano at muling lahukan ang kompetisyon.


Ikalawa, pilitin ang Pilipinas sa paggamit ng “Family Politics” ng bansa


Noong unang dako ng 2023, isinagawa ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ng Pilipinas ang unang dalaw-pang-estado sa Tsina.


Sa panahong iyon, nilagdaan ng kapuwa bansa ang 14 na bilateral na dokumento at inilabas ang magkasanib na pahayag kung saan ipinagdiinan ang maayos na paghawak sa hidwaan sa SCS.


Ngunit matapos ang biyahe ni Marcos Jr. sa Amerika noong isang taon, napakalaking pagbabago ang nangyari sa patakaran ng kasalukuyang administrasyong Pilipino sa Tsina, pinadalas nito ang mga probokatibong aksyon sa Tsina, at lantarang pinabulaanan ang naunang napagkasunduan nila ng Tsina, bagay na nakapagpalala sa situwasyon ng SCS.


Inihayag ni Anton Fedyashin, Associate Professor of History of American University, na sa isyu ng SCS, lubos na mahilig sa Amerika ang posisyon at atityud ni Pangulong Marcos Jr.


Inihayag din ni Senadora Imee Marcos, Tagapangulo ng Komite ng Ugnayang Panlabas ng Senado, na ang kilos ng pamahalaang Pilipino kamakailan sa isyu ng SCS, ay tumutungo sa “mapanganib na landas.”


Ang paghawak aniya ng administrasyong Marcos sa isyu ng SCS, ay pinapanigan ng emosyon sa halip na katuwiran, at dinadala nito ang bansa sa “mapanganib na landas.


Sa isa naming pahayag, ipinahayag ni Herman Laurel, bantog na broadcast journalist ng Pilipinas, na nasa kamay ng Amerika ang 2 “handle” ni Marcos Jr.: una, pinagdududahang tangka ni Marcos Jr. na kunin ang sinuspinding ilampung bilyong USD na ari-arian ng Marcos Family sa Amerika; ikalawa, binabantaan si Marcos Jr. ng Amerika sa pagsasakdal sa kanya at miyembro ng pamilya niya.


Sa palagay ni Laurel, ang mga ito ay sanhi sa likod ng pagbabago ng posisyon ni Marcos Jr.


Sinabi rin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas na ang hidwaang Pilipino-Sino ay nagmula sa panghihimasok ng Amerika.


Aniya, ang kilos ng pro-Amerika at kontra-Tsina ng kasalukuyang administrasyong Pilipino ay naglalayong patibayin ang katayuang pulitikal ng Pamilya ni Marcos sa Pilipinas, at hindi para sa kapakanan ng mga mamamayan at bansa.


Ikatlo, pukawin ang umano’y “South China Sea arbitration award”


Upang isalegal ang probokatibong aksyon nito sa SCS, paulit-ulit na pinupukaw ng Pilipinas ang umano’y “South China Sea arbitration award.”


Kasama ng mga kaalyadong bansa nito, inihayag ng Amerika ang suporta sa posisyon ng Pilipinas, at nananawagan sa Tsina na tuparin ang umano’y hatol .


Samantala, isinusulong ng Pilipinas ang lehislasyon ng “Maritime Zones Act” na naglalayong kumpirmahin ang ilegal na “South China Sea arbitration award” sa pormang lehislatibo.


Sa katotohanan, ang “South China Sea arbitration” at “Maritime Zones Act” ay ang kapuwa pulitikal na panlilinlang na may balot na pambatas.


Maraming beses na inihayag ng panig Tsino na ilegal at di mabisa ang “South China Sea arbitration award.” Hindi tinatanggap at kinikilala ng panig Tsino ang hatol na ito.


Narito ang dahilan: ang esensya ng “South China Sea arbitration” ay isyu ng teritoryo at soberanya at paghahati ng hanggahang pandagat. Ito ang hindi nasa saklaw ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).


Kaugnay ng isyu ng paghahati ng hanggahang pandagat, bilang signataryong bansa ng UNCLOS, ginawa noong 2006 ng Tsina ang statement of exclusion alinsunod sa probisyong 298 ng UNCLOS. Ibig sabihin, tungkol ito sa paghahati ng hanggahag pandagat, historic bays o titles, militar at law enforcement activities, may karapatan ang panig Tsino na tanggihan ang puwersahang arbitrasyon.


Ngunit binalewala ng nasabing “arbitral tribunal” ang pundamental na prinsipyong “state consent” sa pandaigdigang batas.


Samantala, nabatid ng parami nang paraming Pilipino na ang “South China Sea arbitration” ay isang sabwatan ng Amerika na gamitin ang Pilipinas upang abutin ang sarili nitong hangarin.


Tinukoy ni Rod Kapunan, kolumnista ng “Manila Standard,” na sa isyu ng SCS, “kumukuha ang mga Pilipino ng mga kastanyas mula sa apoy para sa Estados Unidos.”


Ipinahayag naman ni Rigoberto D. Tiglao, bantog na politikong Pilipino, na ang “South China Sea arbitration” ay isang walang-saysay na palaro lang na gumastos ng 30 milyong USD, at hindi ito nagdala ng anumang benepisyo sa Pilipinas.


Kaya, farce lang ang “South China Sea arbitration, at basurang papel lang ang umano’y “South China Sea arbitration award.”


Ika-apat, manunulsol sa mga bansa sa labas ng rehiyon sa panghihimasok sa SCS


Nitong ilang taong nakalipas, ang Amerika ay hindi lamang nakakapagpalakas ng pakikipag-ugnayang militar sa Pilipinas, kundi nanunulsol sa mga kaalyado nito sa pagpukaw ng isyu ng SCS.


Kasama ng Amerika, magkakasunod na inihayag ng Hapon, New Zealand, Kanada at iba pang bansa ang kani-kanilang pagkabahala sa hidwaan sa SCS na nagtatangkang likhain ang false appearance na ibukod ng komunidad ng daigdig ang Tsina sa isyu ng SCS.


Sa katunayan, ang nasabing mga bansa ay walang anumang kaugnayan sa isyung ito, at ang nakakaraming bansa sa rehiyong ito ay hindi pumapanig dito.


Sa mula’t mula pa’y minamatyagan at tinututulan ng mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang panghihimasok ng banyagang puwersa sa isyu ng SCS, at maraming beses nilang inulit ang kahalagahan ng pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng karagatang ito.


Mula noong Mayo 13 hanggang 15 ng kasalukuyang taon, idinaos sa Thailand ng Tsina at mga bansang ASEAN ang ika-43 joint working group meeting tungkol sa pagsasakatuparan ng “Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC)” kung saan buong pagkakaisang sinang-ayunan ng iba’t-ibang panig na proteksyunan ang pangkalahatang kalagayan ng kapayapaan at katatagan ng SCS, at isinulong ang ikatlong pagbasa ng “Code of Conduct in the South China Sea (COC).”


Sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon, tinanggihan ng mga bansang ASEAN ang bloc confrontation at panggugulo sa SCS.


Ikalima, kontrulin ang media at think tank at pigilin ang rasyonal na tinig


Sa pamamagitan ng pagkatig at pagkontrol sa ilang media, think tank at di-pampamahalaang organisasyon, pinalalakas ng Amerika ang “cognitive warfare” laban sa Tsina, pinipigil ang mga rasyonal na tinig sa Pilipinas, at inililigaw ang kaalaman ng mga Pilipino sa Tsina.


Sapul nang pumasok sa taong kasalukuyan, lumalala nang lumalala ang hidwaang Sino-Pilipino sa SCS.


Sa likod nito ay nakikita ang mga kasabwat ng Amerika.


Inorganisa noong Mayo 15, 2024 ng isang di-pampamahalaang organisayong may tawag na “Atin Ito” ang mga grupo ng umano’y “mangingisdang lokal” na pumunta sa karatig na katubigan ng Huangyan Dao ng Tsina.


Kaugnay nito, ipinahayag ni Filipino political blogger Elmer Jugalbot na sa likod ng insidenteng ito ay panunulsol ng Amerika.


Sinabi niya na sa pamamagitan ng pagpondo ng mga propaganda machines, inilalabas ng pamahalaang Amerikano ang mga negatibong ulat tungkol sa Tsina, at ang “Project Myoushu” ay pinakamahalaga nitong kagamitan.


Ani Jugalbot, nagtatangka ang “Project Myoushu” na ilarawan ang Tsina bilang mapanupil at ilarawan ang Pilipinas bilang biktima upang kunin ang pagdamay ng mga Pilipino at komunidad ng daigdig.


Inamin niya ang pagtatamo ng proyektong ito ng ilang bisa.


Ipinahayag din niya ang kalungkutan hinggil dito. Dahil iilang Pilipino ang may sapat at tunay na pagkaunawa sa hidwaang Pilipino-Sino, at nananalig lang ang nakakaraming Pilipino sa mga impormasyong inilabas ng mga mediang pinupundohan ng Amerika.


Nagiging biktima ang mga Pilipino ng panlilinlang ng Amerika, saad pa niya.


Pinupukaw din kamakailan ng ilang mediang Pilipino ang isyung umano’y “pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal sa SCS,” at niluluto ang mga kasinungalinang umano’y “pagkasira ng Tsina sa ekolohiya sa SCS” upang atakehin at dungisan ang legal at makatuwirang aksyon ng pagpapatupad ng batas ng Tsina sa karagatang ito.


Malinaw na nakikitang ang pinal na hangarin ng nasabing 5 panlilinlang ng Amerika sa SCS ay pigilin ang Tsina at panatilihin ang hegemonya ng Amerika.


Paulit-ulit na inihayag ng panig Tsino na ang isyu ng SCS ay nagdulot, pangunahin na, ng panunulsol ng mga bansa sa labas ng rehiyong tulad ng Amerika, at ang mga bansang ito ay tunay na tagapagsabwat at tagapaglikha ng isyu ng SCS.


Kailangang panatilihin ng mga bansa sa rehiyon ang pagmatyag upang maiwasan ang pagiging “cannon fodder” ng Amerika.


May-akda / Salin: Lito

Pulido: Ramil