Pangulong Tsino, naglakbay-suri sa Rehiyong Awtonomo ng Ningxia

2024-06-20 18:47:12  CMG
Share with:

Naglakbay-suri Miyerkules, Hunyo 19, 2024 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Rehiyong Awtonomo ng Hui ng Ningxia sa hilagang kanluran ng bansa.


 

Bumisita siya sa isang residential community sa Yinchuan, punong lunsod ng rehiyong awtonomo, para malaman kung paano ipapatupad ng mga organisasyon ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa primaryong lebel ang kani-kanilang tungkulin.


 

Nalaman din niya ang mga gawain ng komunidad sa pagpapabuti ng mga serbisyo para sa mga residente, at pagpapasulong ng pagpapalitan at interaksyon ng mga mamamayan ng magkakaibang etnikong grupo.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil