Sa kanyang pahayag sa komperensya ng militar at pulitikal na gawain sa Yan’an, lunsod ng lalawigang Shaanxi sa dakong hilangang kanluran ng Tsina, Hunyo 17 hanggang Hunyo 19, 2024, binigyan-diin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang kahalagahan ng pagpapalakas ng pulitikal na katapatan sa militar sa bagong panahon.
Chinese President Xi Jinping, also general secretary of the Communist Party of China Central Committee and chairman of the Central Military Commission, delivers a speech at a military political work conference held in Yan'an City, northwest China's Shaanxi Province, June 17, 2024.(photo from Xinhua)
Ito aniya ay para ipagkaloob ang matatag na garantiyang pampulitika sa pagtatatag ng malakas na sandatahang lakas.
Dagdag niya, dapat panatilihin ang ganap na pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa militar.
Kasabay nito, kailangan din aniyang itayo ang isang dekalidad na grupo ng kadre na matapat, malinis, responsable at may kakayahang ipatupad ang misyon ng pagpapalakas ng sandatahang lakas.
Sa pamumuno ni Xi, bumisita ang mga miyembro ng Sentral na Komisyong Militar (CMC), at puno ng mga departamento at yunit ng rebolusyonaryong relikya sa Wangjiaping, kung saan itinalaga mula Agosto 1937 hanggang Marso 1947 ang punong himpilan ng CMC.
Nanawagan din si Xi sa matataas na opisyal-militar na isabalikat ang responsibilidad na ini-atang sa kanila ng CPC at mga mamamayan, at palagiang palakasin ang sandatahang lakas.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio