Nagpalitan ng mensaheng pambati, ngayong araw, Huwebes, Hunyo 20, 2024 sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Christine Kangaloo ng Trinidad and Tobago, kaugnay ng ika-50 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.
Tinukoy ni Xi na nitong nakalipas na 5 dekada, nananatiling mainam ang pag-unlad ng bilateral na relasyon, walang humpay na lumalalim ang pagtitiwalaang pulitikal, mabungang-mabunga ang kooperasyon sa iba’t-ibang larangan, at naibibigay ang benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Kasama ni Pangulong Kangaloo, nakahanda aniya siyang patuloy na isulong ang de-kalidad na kooperasyon ng Belt and Road, palalimin ang pagpapalitan at pagtutulungan sa iba’t-ibang larangan, at pabutihin ang komprehensibo’t kooperatibong partnership sa makabagong antas.
Nananalig naman si Kangaloo na walang humpay na maghahatid ng biyaya sa mga mamamayan ng Trinidad and Tobago at Tsina ang makabagong relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Vera
Pulido: Rhio